DAGUPAN CITY–Iringan sa lupa at personal na alitan ang motibo ng 61 anyos na lolo sa pagtaga nito sa nakakatandang kapatid na nangyari sa barangay tori-tori sa bayan ng Anda, Pangasinan.

Nakilala ang suspek na si Tiurcio Catabay, 61 anyos habang ang biktima ay ang kaniyang kapatid na si Prudencio Catabay, 64 anyos na isang magsasaka na kapwa residente ng naturang barangay.

Base sa inisyal na imbestigasyon ng Anda PNP, bago nangyari ang insidente, nagpunta ang biktima sa nabangit na barangay partikular sa ginagawang warehouse ng suspek at nakitang armado ito ng bolo habang nasa impluwensiya ng alak at pinagsabihan ng hindi magagandang salita at hinahamon pa nito ng laban ang kapatid.

--Ads--

Kinagabihan ng parehong araw noong September 25 nagtungo naman sa bahay ng biktima ang suspek dala ang kaniyang bolo at kinompronta ang kapatid na nagresulta ng masidhing away ng dalawa.

Nagtamo ng isang taga sa may kanang bahagi ng kamay at galos sa iba’t ibang parte ng katawan ang biktima.

Agad namang naaresto ng mga rumispondeng pulis ang suspek kung saan nakuha mula sa suspek ang bolo na ginamit sa krimen at long sleeve tshirt na may bahid ng dugo ng kaniyang kapatid.

Kapwa dinala sa Bolinao Community Hospital ang dalawa para sa Medical treatment at examination kung saan parehong positibo ang mga ito sa Alcohol breath test.

Kasalukuyang nasa kustodiya na ng Anda PS ang suspek at humaharap sa kaukulang kaso.