Ibinahagi ni Bea Borres, isang lifestyle content creator, ang kanyang pananaw tungkol sa pagiging responsable sa paggastos.

Aniya, higit na inuuna dapat ang mga praktikal na pangangailangan kaysa sa mga luho.

Sa isang socail emdia post, inilahad ni Bea ang kanyang opinyon tungkol sa mga tao na nagkakaroon ng utang para lamang bumili ng mga mamahaling gamit tulad ng bagong cellphone.

--Ads--

Ayon pa sa kaniya, nakipag-usap siya kamakailan sa isang kapamilya tungkol sa mga tao na nangungutang para makabili ng pinakabagong smartphone, ngunit nahihirapan silang magbayad ng utang.

Ibinahagi pa niya na madalas siyang tinatanong kung bakit hindi siya laging nag-a-upgrade ng cellphone.

Ipinahayag niya na wala siyang plano mag-upgrade dahil ang kanyang lumang telepono ay maayos pa at gumagana ng maayos.