Patay ang umanoy leader ng Gun for hire group na aktibong nag ooperate sa ika lima at ika anim na distrito ng Pangasinan.
Hindi na naihain pa ng pulisya ang warrant of arrest laban kay Verson Mamerto, leader ng Mamerto Gun for hire group matapos manlaban sa mga otoridad sa isinagawang operasyon sa bayan ng Santa Maria, Pangasinan.
Pagkarating umano ng mga otoridad sa bahay nito ay agad na lumabas sa bahay ang suspek at tumakbo palayo sa mga otoridad.
Hinabol nila ito pero nanlaban sa mga otoridad .
Sugatan si Mamerto at dinala sa pagamutan subalit ideneklarang dead on arrival.
Ayon sa pulisya, si Mamerto ang nasa likod ng insidente ng pamamaril sa 5th at 6th district sa lalawigan.
Siya rin ang suspek sa pagpatay sa isang barangay official sa bayan ng San Quintin noong 2016.
Giit naman ng may bahay ni Mamerto na inosente ang kanyang asawa.
Magsasaka ang kanyang mister at hindi umano lider ng grupo.