DAGUPAN CITY- Inaprubahan ng Sangguniang Panlungsod ang ordinansang nagbibigay ng libreng uniporme sa mga mag-aaral at guro ng day care sa lungsod.
Ayon kay Councilor Marvin Fabia, layon ng ordinansa na mabigyang-gaan ang gastusin ng mga magulang. Sa bagong programa, lahat ng day care students ay makatatanggap ng dalawang set ng uniporme, habang 46 na day care teachers naman ang bibigyan ng isang set ng opisyal na uniporme.
Nagpasalamat si Josefina, pangulo ng samahan ng mga day care teacher, at iginiit na malaking tulong ito dahil dati’y tanging may kakayahang bumili lamang ang may uniporme.
--Ads--
Tinatayang mahigit 2,000 mag-aaral mula sa iba’t ibang barangay ang makikinabang sa programa.