Nagpatupad ng llibreng toll fees ang North Luzon Expressway sa lahat ng sasakyan na dadaan mula Pulilan, Bulacan, at San Fernando, Pampanga ngayong araw ng Miyerkules, September 2.Oras at Mga Kalendaryo

Ang pagpapatupad ng libreng toll fees ay dahil sa malawakang pagbaha sa Tulaoc Bridge sa San Simon, Pampanga na nagdulot na mabigat na daloy ng trapiko sa kahabaan ng NLEX simula pa noong Biyernes, August 29.

Personal na nakipag-uganayan si Department of Transportation Secretary Giovanni Lopez sa pamunuan ng NLEX Corp. President Luis Reñon upang i-wave ang toll fees, ayon sa inilabas na pahayag ng ahensya.

--Ads--

Ang Toll fees ng mga sasakyang galing ng Pulilan patungong San Fernando ay nagkakahalaga nga ng 113 pesos para sa Class 1 vehicles, habang 281 pesos naman para sa Class 2, at 338 pesos naman para sa Class 3.

Ayon naman sa transport agency, ang libreng toll fees ay magpapatuloy hanggang sa magbalik normal na ang operasyon ng NLEX.

Matatandaang ilang mga kalsada ang nalubog sa baha dahil sa malakas at tuloy-tuloy na pag-ulan dulot ng habagat. Marami ang stranded at naipit sa kalsada na halos umabot ng buong araw noong Biyernes.Astronomy

Nalubog rin sa baha ang Tulaoc Bridge sa San Simon, Pampanga, dahil sa pag-apaw ng Pampanga River.

Naglabas naman ang NLEX ngayong araw, kaninang alas-dos ng hapon ng ilang traffic conditions.

Northbound

Libtong Exit – temporarily closed
Sta. Rita, Balagtas, Pulilan – regulated
Tulaoc (San Simon), San Simon Interchange – slow-moving traffic of about 2-kilometer buildup. Affected by water buildup on all lanes.
Lane 1 – passable to all
Lane 2 – passable to Class 2 and 3 only
Lane 3 – impassable
Southbound

Balintawak, Valenzuela, Meycauayan – passable, with light traffic
Tulaoc (San Simon), San Simon Interchange – heavy traffic flow of about 6-kilometer buildup, all lanes with water buildup
Lane 1 – passable to all
Lane 2 – passable to Class 2 and 3 only
Lane 3 – impassable