Dagupan City – Nakikipag-ugnayan na ang lokal na pamahalaan ng Mapandan sa mga tricycle driver hinggil sa usapin ng umano’y mataas na pamasahe sa bayan.

Ayon kay Mayor Karl Christian Vega, kasalukuyan na silang nakikipagpulong sa mga toda upang makabuo ng konkretong plano kaugnay ng isyu.

Nagsasagawa na rin ang LGU ng pangangalap ng datos upang makahanap ng angkop na solusyon sa reklamo ng ilang commuter sa labis na paniningil.

--Ads--

Samantala, ibinahagi rin ng alkalde ang plano nitong palitan ang mga kasalukuyang streetlight sa bayan ng solar-powered lights.

Ayon kay Vega, makatutulong ito sa pagtitipid ng pondo ng lokal na pamahalaan.

Aniya, tinatayang aabot sa P400 hanggang P500 kada buwan ang gastos sa kuryente para sa streetlights, kaya inaasahang makakatipid ang bayan ng hanggang P6 milyon kada taon.

Dagdag pa nito, posibleng mabawi ang puhunan sa loob ng dalawang taon, na maaari pang ilaan sa iba pang proyektong pangkaunlaran.