Dagupan City – Patuloy ang matibay na suporta ng Pamahalaang Bayan ng Bani sa sektor ng agrikultura bilang bahagi ng pangmatagalang programa upang mapalakas ang kabuhayan ng mga magsasaka at matiyak ang sapat na produksyon sa bayan.

Ayon kay Bani Vice Mayor Gwen Palafox-Yamamoto ito’y upang makapagbigay ng karagdagang tulong sa farm inputs ang LGU upang maibsan ang epekto ng pagtaas ng presyo ng mga pataba at iba pang gastusin sa pagsasaka.

Bahagi ng tulong ang subsidiya sa mga fertilizers upang hindi gaanong mabigatan ang mga magsasaka sa kanilang puhunan.

--Ads--

Kabilang din sa mga hakbang ang pagbibigay-proteksyon sa mga magsasaka laban sa mga hindi patas na transaksyon, lalo na sa mga pagkakataong napipilitang magbenta ng ani nang pansamantala o sa hindi kanais-nais na kondisyon.

Sa kasalukuyan sa bise alkalde, saklaw ng programa ang pitong barangay sa Bani kung saan aktibong isinasagawa ang mga pagtatanim.

Tinatayang nasa 800 hanggang 1,000 magsasaka ang kasalukuyang nakikinabang sa mga programang ito, malayong mas mataas kumpara noong nagsimula ang inisyatiba noong 1986 na may lima hanggang sampung magsasaka lamang.