DAGUPAN CITY- Mga Kabombo! Isa ka rin ba sa mga naaaliw sa stunts?
Naku! Siguradong isa ka sa mga target audience ng isang stuntman sa France.
Isang French daredevil kasi ang muling pumasok sa Guinness World Records matapos mag-motor ng halos 1,500 feet habang nasusunog ang buong katawan.
--Ads--
Matagumpay na naitala ni Jonathan Vero, 41 taong gulang, ang pinakamalayong distansya na nalakbay sa motor habang full body burn o habang nasusunog ang kanyang katawan.
Si Vero ay isang bumbero at amateur stuntman kaya’t hindi naging imposible na gawin ang challenge.
Hindi ito ang unang beses na pumasok siya sa Guinness World Records, dahil dati na rin niyang nakuha ang record para sa pinakamabilis na 100-meter sprint habang nasusunog.