Dagupan City – Inaresto ang isang lalaki sa bayan ng Binalonan dahil sa paninira o malicious mischief sa isang gasoline station.

Kinilala ang isang 51-anyos na babae, residente ng Pozorrubio at may-ari ng Gasolinahan habang ang suspek naman ay isang 22-anyos na lalaki, walang trabaho, residente sa bayan ng Bani.

Ayon sa imbestigasyon, minamaneho ng suspek ang isang traysikel (kulong-kulong) na walang plaka patungo sa direksyong kanluran.

--Ads--

Pagdating sa lugar ng insidente, huminto ang traysikol at muntik nang mahulog sa kanal.

Tinulungan ng isang pump attendant mula sa Gasoline Station ang suspek.

Gayunpaman, bigla na lamang umanong nagwala ang suspek, naging magulo, agresibo, at sinuntok ang fuel price panaflex signage ng Gasolinahan.

Nagresulta ito sa pagkasira ng signage, at inaalam pa ang halaga ng pinsala.

Dinala ang suspek sa Binalonan Police Station para sa kaukulang disposisyon.