DAGUPAN CITY – Natagpuan ang mga katawan ng 23 labi sa sumiklab na bus sa Bangkok, Thailand kung saan ayon sa mga kapulisan, 11 rito ay mga lalaki at 7 ang mga babae, habang 5 naman ang hindi pa nakikilala. Habang ang edad ng mga ito ay nasa pagitan ng 3-15 taong gulang.

Ayon kay Rinse Galupo – Bombo International News Correspondent sa nasabing bansa na ang mga katawan ng nasawi sa aksidente ay naitungo sa forensic lab sa Bangkok habang ang mga bata naman na nakaligtas ay nakauwi na sa kani-kanilang tahanan.

Aniya na hindi ito ang unang naipaulat na ganitong insidente sa bansang kanyang kinaroroonan bagkus ay maraming beses na ang mga ganitong pangyayari sa mga nagdaang taon.

--Ads--

Pagbabahagi naman niya na magiging malaki ang epekto nito sa sektor ng edukasyon at sa sektor ng transportasyon gayong bahagi ng mga school programs ang pagkakaroon ng fieldtrip.

Gayunpaman, patuloy naman ang isinasagawang imbestigasyon ng kapulisan ukol dito.