Dagupan City – Isa ba kayo sa kinilig nang makitang magkasama si Kyline Alcantara at Kobe Paras sa network gala night 2024?

Baliktanawin natin ang nangyari noong mayo 2014, kung saan nagsimula ang usap-usapan ng mga showbiz fans sa closeness ng actress at ng basketball player.

Sa social media post kasi, nag-comment si Kobe ng heart emoji sa isang post ni Kyline.
Ngunit bago nito, nahuli silang may parehong post tungkol sa isang restaurant sa Makati sa parehong araw.
Noong June naman ay namataan ang dalawang magka-holding hands habang namamasyal sa BGC sa Taguig.

--Ads--

Kung mapapansin naman sa gala night, magkasabay na naglalakad ang dalawa, at nakakapit pang nakangiti ang aktres sa braso ng binata.
Kaugnay nito ay marami naman ang namangha sa kanyang gown na may symmetrically silver cording na gawa ng foreign brand na Cult Gaia.

Samantala, kasabay naman ni Kobe ang kanyang nakatatandang kapatid na si Andre Paras.
Kung kaya’t dali-dali namang tinanong ang actor kung bakit hindi sila magkasama ni Kyline na naglakad sa red carpet, sagot ng actor, “fanboy” lang siya ng aktres sa gabing iyon.