BOMBO DAGUPAN – Hindi pinalampas ni Kathryn Bernardo ang pagkakataong batiin ng “happy birthday” si Dominic Roque.

Sa isang scocial media stories ni Kathryn kagabi, tatlong magkakasunod na pictures ni Dominic ang ibinahagi niya.

Una ay solo photo ni Dominic na kuha habang sakay ito ng bangka. Sumunod naman ay ang litrato ni Dominic na kuha sa isang restaurant kung saan may hawak ito na slice ng cake na may dedication na “Happy Birthday DOM!”

--Ads--

Sabay caption ni Kathryn na fwesh ni birthday boy dagdag pa na napag-alaman lang daw niya noong nakaraang buwan na mayroon itong dimple.

Samantala, sa pangatlong post ay magkasama na sila ni Dominic na nag-wacky shot sa camera.

Magkasama silang nagdiwang ng birthday ni Dominic, base sa parehong suot nito sa naunang litrato niyang may hawak na birthday cake.

Ang dalawa ay matagal nang magkaibigan.

Matatandaan na noong June 26 ay lumikha ng ingay ang post ni Dominic na kasama si Kathryn sa gym kung saan may mga netizen na nagsabing bagay ang dalawa, habang ang iba naman ay naniniwalang magkaibigan lamang ang mga ito.