DAGUPAN CITY- Nananatiling generally peaceful ang bayan ng Villasis kaugnay sa election period.
Ayon kay Pmaj. Edgar Allan Serquina, patuloy lamang ang kanilang ginagawang pagmomonitor sa kanilang lugar bilang bahagi sa pagtitiyak na maayos at ligtas ang kanilang bayan ngayong nagsimula na ang campaign period.
Aniya, mahigpit ang kanilang ginagawang pagpapatorolya at monitoring gayundin ang mga regular checkpoint bukod sa Comelec checkpoint.
Mahigpit naman ang kanilang pagpapaalala sa kanilang mga residente na sundin ang alituntunin ng Commission on Election at ng mga kapulisan alang alang na rin sa kanilang kailgtasan at habang papalapit ang eleksyon sa buwan ng Mayo.
Sa ngayon ay wala pa rin naman silang namomonitor na presensya ng political rivalries sa mga kandidato na tumatakbo sa kanilang lugar.