Apektado na ang kalidad ng mga ibinebentang gulay sa Pangasinan Agri Pinoy Trading center sa Urdaneta city dahil sa mainit na panahon.

Madali raw mabulok ang mga gulay dahil sa mainit na pananon.

Bukod sa madaling masira ang mga panindang gulay, problema rin ng mga vegetable trader ang kakaunting dating ng mga namimili kaya napipilitan silang magbagsak presyo ng mga paninda.

--Ads--

Ayon sa mga tindero, mas maigi na raw na makabenta kaysa mabulukan ng paninda.