Dagupan City – Patuloy na minomonitor ang kalagayan ng mga alagang baboy sa bayan ng Mapandan, upang mapatunayan na wala silang African Swine Fever (ASF).

Sa pangunguna ni Mapandan Mayor Karl Christian Vega, nagsagawa ang mga kinatawan ng Provincial Veterinary Office at Department of Agriculture Regional Field Office 1 (DARFO1) ng oryentasyon para sa mga hog raiser at trader sa bayan.

Layunin nito na madagdagan ang kanilang kaalaman tungkol sa pagpapalaki ng kanilang mga alagang baboy.

--Ads--

Bukod pa rito, inilatag na rin ang mga panauhing mga kinakailangang dokumento sa pagbiyahe ng baboy, mga alituntunin patungkol sa tamang pagpapatakbo ng stockyard ng mga biyahero, at risk factor ng ASF.

Kaugnay nito nanatiling ASF-free ang probinsya ng Pangasinan dahil sa mahigpit na biosecurity.