Hustisiya ang hiling ng kaanak ng biktimang radio commentator na pinagbabaril sa kanila mismong compond sa Sitio Licsab, Barangay San Blas, sa bayan ng Villasis.

Sa eklusibong panayam ng Bombo Radyo Dagupan sa pamangkin ni Pangasinan Media Man Virgilio Maganes na si Ariel Tugare, wala naman aniyang natanggap na anumang uri ng death threats ang biktima.

Wala rin aniyang kahit na anong kakaiba kay Maganes ilang araw bago mangyari ang pamamaril sa kaniya.

--Ads--

Matatandaang taong 2016 nang ito ay dati na ring dumanas ng pamamaril ngunit ayon sa kaniyang mga kaanak ay wala naman umano itong nakaaway pagkalipas nito.

Anim na tama ng bala ang tinamo nito sa bahagi ng kaniyang ulo at iba pang parte ng kaniyang katawan.

Sa pagsasalaysay ng kaniyang pamangkin ay lumabas lamang umano si Maganes upang bumili sa tindahan at nang ito ay pauwi na tyaka na ito pinagbabaril na agaran naman niyang ikinasawi.

Sa ngayon ay magsasagawa ng special investigation ang Villasis PNP sa naturang insidente.