Nasungkit ng Dagupeño na si John Enrico “Joco” Vasquez , miyembro ng Philippine Team Karatedo ang silver medal sa katatapos na 8th South East Asian Karatedo Championships na ginanap sa Bangkok Thailand.
Sa esklusibong panayam ng bombo Radyo Dagupan, nagpapasalamat si Vasquez sa buong suporta ng mga Pilipino sa kanyang naging laban.
Sinabi ni Vasquez na ginawa nito ang lahat para makaabot sa finals.
--Ads--
Nabatid na nakatapat niya sa finals, ang top 2 sa World Karate federation mula sa Indonesia kung saan ay dikit ang kanilang laban .
Samantala, sa darating na April 26 , lalahok muli si Vasquez sa Asia Karate Federation sa Malaysia. Umaasa rin siya na makakapaglaro sa South East Asian Games.