BOMBO DAGUPAN – Hanga si Jeric Gonzales sa pagiging professional umano ng aktres na si Bea Alonzo ito ay sa kabila ng pinagdadaanan niya matapos ang hiwalayan nila ni Dominic Roque.

Ito ay matapos tanungin si Jeric Gonzales tungkol sa Widow’s War co-star na si Bea Alonzo, noong una silang nagkapareha sa Start-Up PH noong 2022, kung saan ay in love na in love pa si Bea sa boyfriend pa lang noon na si Dominic Roque.

Nang sinimulan nila ang Widow’s War noong early 2024, sumabog ang balitang break na sina Bea at Dominic na noo’y engaged to be married na sana.

--Ads--

Nilinaw naman ni Jeric na hindi nila napag-usapan ang broken engagement ni Bea sa set ng kanilang bagong serye.

Subalit nagulat at nalungkot nalang daw si Jeric nang mabalitaan ang kinahinatnan ng relasyon nina Bea at Dominic.

Ayon pa sakaniya ay nakikita niya daw ang dalawa noong sila ay nagkapareha ni Bea sa isang palabas.

Hanga naman si Jeric kung paano nahiwalay ang personal issue sa trabaho at sinabing napakastrong na babae ni Bea dahil sa tuwing taping ay never naman daw niya nakita itong malungkot.