Nagsagawa ang Israel ng mga air strike sa Lebanon matapos ang ilang rocket na pumutok mula Lebanon.
Ayon sa Israel military, tinamaan nila ang maraming rocket launchers at isang command center ng Hezbollah sa katimugang Lebanon.
Iniulat ng Ministry of Health ng Lebanon na pitong tao, kabilang ang isang bata, ang nasawi at 40 ang nasugatan sa mga air strike.
--Ads--
Walang grupong umako sa pag-atake, ngunit kilala umano ang Lebanon sa pagiging pugad ng mga armadong grupo tulad ng Hezbollah at mga Palestinian faction.
Makaraan ang ilang oras, nagsagawa ng ikalawang serye ng mga air strike ang Israel sa mga target tulad ng command centers, mga pasilidad ng imprastruktura, at imbakan ng armas sa Lebanon.