DAGUPAN CITY–Wrong timing ang pagsusulong ng revolutionary government dahil may halong pulitika.

Ayon kay Professor Mark Anthony Baliton at kilalang political analysts sa Pangasinan, hindi ito ang tamang oras para ito ay mapag usapan.

Ang dapat aniyang iuuna ay paano mapagbuti ang pagtugon sa covid-19.

--Ads--

Kaysa isulong ang revolutionary government para sa kanya ay mas mainam na palitan na lamang ang termino ng president gaya halimbawa ay dalawang termino na tig anim na taon o dalawang termino ng tig apat na taon at bahala ang mga tao kung papalawigin o hindi ang pamumuno ng kanilang pangulo .

Professor Mark Anthony Baliton , political analysts in Pangasinan

Pero naniiwala si Baliton na may posibilidad na maganap ito kung susuportahan ng sambayanang Pilipino.

Naging poosible na aniya ito noong Edsa 1 at Edsa 2 at muntik na rin sa Edsa 3.


Kaya napalitan aniya ang 1973 philippine constitution dahil sa Edsa Revolution.

Professor Mark Anthony Baliton , political analysts in Pangasinan

Matatandaan na marami ang nagpahayag ng pagtutol sa pagsusulong ng “revolutionary government” ng ilang grupo upang pabilisin ang mga nais na pagbabago sa 1987 Constitution.