Nagmimistula ka rin bang bato sa manhid kung matulog? Walang kalabit o walang ingay ang kayang magpagising sa’yo?
Natulog lamang ang isang Norwegian na lalaki na si Johan Helberg sa kaniyang bahay sa Byneset, sa Trondheim Fjord nang makatanggap siya ng balita mula sa kaniyang kapitbahay na si Jostein Jørgensen na kaniyang ikinagulat.
Pano ba naman kase, mayroon ng isang cargo ship na tila nakaparada sa kaniyang bakuran.
Ang naturang barko ay may ilang metro lamang na pagitan mula sa kaniyang bahay at ilang lapit pa ay maaari na itong makapinsala sa pagmamay-ari niya.
Kwento ng kaniyang kapitbahay, nagising ito sa tunog ng barko na nagtagal ng ilang minuto ay ito ay papalapit sa kanilang kugar.
Gayunpaman, maliban sa barko, ikinabigla pa ng kaniyang kapitbahay na sa mga ingay na iyun ay hindi nagising si Helberg.
Sa una ay inakala niyang nasa labas na ito ng bakuran subalit, napag-alaman niyang kakagising lamang nito nang ilang beses niya patunugin ang doorbell ng bahay ni Helberg.
Wala naman nasaktan mula sa insidente at inimbestigahan na ng shipping company ang pangyayaring ito.