BOMBO DAGUPAN- Huli sa akto ang isang oso sa New Hampshire ang pagnakaw nito ng pagkain sa loob ng isang sasakyan para sa kaniyang mga anak.

Nahuli sa video ni Geoffrey Starr ang isang nanay na oso na umaakyat sa isang sasakyan sa Bartlett, New Hampshire, upang kunin ang isang pack ng chips.

Ani Starr, bago pa man dumating ang oso ay sira na ang bintana ng sasakyan subalit nakatakip lamang ito ng tape kaya hindi na rin nahirapan ang oso na sirain ito at pasukin para makuha ang pagkain.

--Ads--

Matapos nito, agad pinuntahan ng oso ang kaniyang mga anak upang ihain ang nakuhang chips.

Samantala, sinabi naman ng New Hampshire Fish and Game Department na opportunistic ang mga oso at maghahanap ng mga pantaong pagkain kung walang sapat na natural foods na mapagkukuhanan.