BOMBO DAGUPAN– Arestado ang Top 1 Most Wanted Person in Municipal Level sa bayan ng San Nicolas matapos magsagawa ang pinagsanib na pwersa ng Pozorrubio PS at San Nicolas Police Station, at iba ang mga kaugnay na himpilan.

Ayon kay PCapt Philip Pulmano, Deputy Chief of Police ng Pozzorubio PNP, arestado sa bisa ng warrant of arrest ang suspek na si Salvador Quirimit, 56 anyos, may asawa, isang construction worker, at residente ng Brgy. Nama, sa bayan ng Pozorrubio.

Base sa kanilang impormasyon, pinangakuan umano nito ang mga private complainant na ibabalik ang kanilang ibinigay na kapital sa malaking halaga.

--Ads--

Nahaharap ang suspek sa 8 counts of Syndicated Estafa kung saan hindi ito maaaring makapagpyansa para sa kaniyang kalayaan.

Kasalukuyan, nakapiit ang suspek sa kustodiya ng Pozorrubio PS para sa kaukulang dokumentasyon bago ito i-turn over sa korte.