BOMBO DAGUPAN – Naaresto ang isa sa mga malaking drug personality dito sa lungsod ng Dagupan ng pinag sanib na puwersa mga operatiba ng Philippine Drug Enforcement Agency – Pangasinan Provincial Office (PDEA PANG PO), at ng Dagupan City Police Station.

Ayon kay Rechie Camacho, provincial officer ng PDEA Pangasinan, kinilala ang suspek na si Richmund de la Cruz Siriban, isang target listed drug personality at nagtitinda ng isda.

Napag alaman na nakulong na ito noong 2017 at nakulong na rin sa Muntinlupa ng isang taon, subalit sa kanyang paglabas ay nagbalik sa kanyang illegal na gawain.

--Ads--

Matagal daw nilang minanmanan ang suspek bago isinagawa ang nasabing operasyon.

Nahulihan siya ng humigit kumulang 16 grams ng shabu na nagkakahalaga ng P108,000.00, isang black pouch, scooter, at buy-bust money.

Ang suspek ay nahaharap sa kasong paglabag sa Section 5 (Sale of Dangerous Drug), at Section 11, Article II ng RA 9165, o The Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Nakadetini siya ngayon sa PDEA PANG PO detention facility sa lungsod ng Urdaneta.