DAGUPAN CITY- Mga Ka-Bombo! Isa ka rin ba sa mga namomroblema sa pambayad ng renta buwan-buwan?

Paano kung may kakaibang strategy ang landlord ng iyong inuupahan upang paalisin ka nang hindi niya sinasabi?

Isang landlord kas sa France ang nag-alis ng mga pinto at bintana sa kanyang pinauupahang bahay dahil hindi makabayad ang kaniyang tenant.

--Ads--

Ayon sa ulat, nangyari ang insidente sa Pas-de-Calais, France, kung saan isang grupo ng mga manggagawa ang dumating at nagsimulang tanggalin ang mga pinto at bintana ng isang bahay.

Sinabi ng landlord na ipinalit ito sa bagong mga pinto at bintana, ngunit sinabi ng mga tenant na nilagay lamang ito sa isang sasakyan hanggang sa tangayin papalayo.

Sinubukan umano ng isang tenant na makipag-ugnayan sa landlord, ngunit hindi na na ito makontak.

Dahil dito, nagdesisyon siyang gamitin ang karton upang harangan ang mga bintana at pinto.

Ayon sa kanya, natatakot siya at hindi na makalabas ng bahay kaya’t buong araw siyang nagtatago sa loob.

Ayon naman sa landlord, ginawa lang ito bilang sagot sa hindi pagbabayad ng upa ng mga nangungupahan.

Maraming netizens naman ang nagbigay ng simpatiya sa sitwasyon ng pamilya dahil sa nangyari.