Selfie rito, selfie riyan. Mga Kabombo! Isa ka rin ba sa mahilig kumuha ng litrato, mapa-mag-isa man o may kasama? Teka! Doble ingat lang tayo.
Isang 45 anoys na ina sa Russia ang nasawi sa harapan ng kaniyang anak matapos itong mahulog sa isang cliff na may halos 90-feet na taas dahil lamang sa gusto nito magpaselfie kasama ang anak.
Ang masayang selfie para sana i-celebrate ang kaniyang milestone na makapag-bungee jumping ay nauwi sa disgrasya.
Isang extreme sports fanatic si Elizaveta Gushchina na sumubok ng nasabing aktibidad sa bayan ng Pavlovsk, St. Petersburg.
Matapos ang kaniyang pagtalon ay bumalik siya sa itaas ng 90-metre chimney sa isaing ‘unfinished’ na thermal power plant nang walang suot na safety harness para makipaglitrato sa kaniyang anak.
Subalit, sa kasamaang palad ay nadulas ito na nagsanhi ng kaniyang pagkakahulog.
Ang tanging naiwan na lamang nito ay ang dramatic video niya na matagumpay na nakatalon sa bungee sa parehong lugar.
Sa katunayan ay isang araw lamang nang makalipas ang kaniyang kaarawan at ang kanilang pinuntahang aktibidad ay birthday present mula sa kaniyang anak.
Iniimbestigahan na ng mga awtoridad nag naturang bungee jumping facility kung ito ay sumunod sa batas.