Mga kabombo!
Ano kayang mangyayari sa isang bayan kung walang magnanais na mamuno rito?
Ito ay matapos ang isang bayan sa Saskatchewan, Canada, ang nahaharap sa isang malaking pagsubok dahil sa nalalapit na halalan sa kanilang munisipyo ay walang tumatakbong alkalde.
Sinabi ng mga opisyal na si Mayor George Williams, na nahalal noong Nobyembre 2021, ay magreretiro na ngayong taon, at sa ngayon, wala pang kandidatong lumalapit para tumakbo sa pagkaalkalde.
Maging ang open spot sa Konseho ng Bayan ay wala ring mga nominado.
Sinabi ni Chief Administrative Officer Amber Dashney na dalawang rounds ng mga aplikasyon ang lumabas na naghahanap ng mga nominasyon para sa pagka-alkalde, ngunit hanggang ngayon ay wala pa ring nag-sign up.
“Medyo nakakabahala, pero tiwala ako na may susulong,” sabi ni Dashney.
Dagadag pa nito na pipili na lamang ang konseho ng isang deputy mayor na hahawak sa mga tungkulin ng opisina kung walang kandidatong tatakbo bilang alkalde sa halalan sa Nobyembre 13.