DAGUPAN CITY- Arestado ang 59 na lalaki sa Barangay Bolosan, lungsod ng Carlos matapos itong kusang sumuko sa kapulisan sa kadahilanang napaslang nito ang kaniyang kasamahan sa tinitirahan nito.

Ayon kay Maj. Resty Ventenilla, Deputy Chief of Police ng San Carlos City PNP, sa kanilang inisyal na imbestigasyon, dakong 1 ng hapon ng Marso 17 nang nagkainitan sina Rogelio Pajilona, 59 anyos, residente ng Purok 2, Barangay Bolosan, sa nasabing lungsod at Philip Sander De Guzman, 43 anyos, residente din ng parehong lugar dahil pinaghihinalaan umano ni Pajilona si De Guzman ang nasa likod ng pagkakawala ng mga alagang kambing at manok nito.

Dahil sa hindi pagkakaunawaan, dalawang beses umanong pinaputukan ni Pajilona si De Guzman. Nagtamo naman ang biktima ng dalawang tama ng baril at kalaunan ay ikinasawi nito.

--Ads--

Dakong 3:40 ng hapon sa parehong araw, kusang sumuko sa otoridad si Pajilona. Nakumpisa skaaniya ang cal 38 revolver na kaniyang ginamit sa krimen. Napag alaman din na wala itong serial number at nagmamalfuntion pa ito.

Dinala naman ang suspek sa Pangasinan Provincial Hospital para sa medical check up nito bago ito nadetine sa himpilan ng kapulisan.
Maaari naman itong humarap sa kasong murder.