Nasungkit ng isang 54 taon gulang na lalaking Iranian ang world record title na may pinakamaraming nabalanseng kutsara sa katawan.
Napagtagumpayan ni Abolfazl Saber Mokhtari ang titulo matapos niyang magawang mabalanse ang 96 na mga kutsara sa kaniyang katawan.
Sapat na bilang para higitan pa ang sariling record noong 2023 na may 88 na kutsara. Habang ang kaniyang 2023 record, hinigitan din ang kaniyang 2021 record na may 85 na kutsara.
--Ads--
Ayon kay Mokhtari, bata pa lamang siya ay nagdidikit na siya ng mga bagay-bagay sa kaniyang balat.
At makalipas ang ilang mga taon na pagsasanay ay nagawa niyang mapalakas ang talento hanggang sa makapagtala ng record.