DAGUPAN CITY- Sugatan ang isang 22-anyos na motorcycle rider sa highway ng Brgy. Maticmatic, saa bayan ng Sta. Barbara matapos itong sumalpok sa isang truck.

Ayon kay PLt. Col. Michael Datuin, Chief of Police ng Sta. Barbara PNP, kinilala ang biktima na si Gerico Dacasin, residente ng Zone 3, Tebag West, sa parehong bayan. Habang minamaneho naman ni Rico Tayuman, 47 anyos, residente ng St. Sav, sa syudad ng Paranaque.

Batay sa imbestigasyon, nakaparada sa outer lane ang truck nang bumangga ang motorsiklo. Dahil sa lakas ng impact, halos maipit ang rider sa truck. Narinig ng mga residente ang malakas na tunog mula sa insidente.

--Ads--

Ani Datuin, napag-alamaan nilang walang lisensya ang biktima. Maliban pa riyan, wala itong suot na protective gear at nasa ilalim rin ng impluwensya ng alak.

Nagtamo ng malalang head injury ang driver at dinala ito sa ospital. Sa ngayon ay nasa mabuting kalagayan ang rider at nakalabas na sa ospital.

Nagkaayos naman ang driber ng truck at ang pamilya ng rider.