DAGUPAN CITY- Nasawi ang isang 19 anyos na drayber ng motorsiklo matapos mabangga sa isang SUV sa bayan ng San Jacinto.
Ayon kay PLt. Celeste Cereno, ang Deputy Chief of Police ng San Jacinto PS, lulan nito ang kaniyang kapatid na 15 anyos, parehong estudyante, at residente ng Brgy. Magsaysay, sa bayan ng San Jacinto.

Base sa kanilang imbestigasyon, nanggaling mula sa Mangaldan nag naturang SUV patungong silangan, habang galing naman sa San Jacinto ang magkapatid.

Paliko sana ang SUV papuntang gasoline station nang magkabanggaan ang dalawang sasakyan.

--Ads--

Ani PLt. Cereno, madilim ang pinangyarihan sapagkat gabi na din nang maganap ang aksidente. Maaari aniyang biglang lumiko ang SUV habang mabilis din ang takbo ng motorsiklo.

Samantala, nagkaroon umano ng kasunduan ang pamilya ng magkapatid at ang drayber ng SUV kung saan magbibigay ito ng tulong sa pagpapalibing ng nasawing biktima, gayundin sa pagpapagaling ng kapatid nito.