Nagbahagi ang ilang mangingisda sa bayan ng kanilang naging karanasan sa pagkakatagpo ng illegal na droga matapos itong makitang palutang-lutang sa mga baybaying sakop nila.

Sa pagiikot ng PDEA Region 1 kaninang umaga sa pangunguna ni Public Information Officer Mariepe De Guzman kasama ang ilang kapulisan sa bayan at barangay civilian volunteers upang isagawa ang information dissemination drive sa mga mangingisda at residente ng coastal barangay sa bayan ng Agno upang magkaroon sila ng kamalayan tungkol sa illegal na droga at makasumbong sa mga otoridad kung kinakailangan.

Ayon panayam ng bombo Radyo Dagupan sa mga mangingisda na inakala lamang nilang pagkain, vetsin o tawas ang nasabing palutang-lutang na sako at pakete sa dagat ngunit nang buksan nila ay parang kakaiba kaya agad nila itong dinala sa pampang upang iulat sa pulisya ang kanilang nakita.

--Ads--

May iba dito na dahil sa kawalan din ng malay sa nasabing bagay ay itinapon na lamang ang ibang pakete nito sa dagat sa kadahilanan na nagpapabigat lamang ang mga ito sa kanilang bangka.

Halos tig-isang sako at ilang pakete lamang ang nakita ng mga ito sa dagat na agad naman nilang ipinagbigay sa mga otoridad.

Dahil naman sa pagkakadiskubre nila ng illegal na droga sa dagat inaasahang mabibigyan ang mga ito ng reward mula sa Provincial Government, ahensya ng PDEA at maari din sa kanilang munisipyo na siyang malaking tulong sa kanilang pang-araw-araw na pamumuhay.

Samantala, inaasahang magpapatuloy pa ang ginagawang information dissemination drive ng PDEA Region 1 sa mga bayan na may natagpuang lumulutang na droga upang maihatid ng mas malawak ang mga impormasyon maaring malaman ng publiko sa mga ganitonh usapin.

Batay sa tala umaabot sa 57 ang mga mangingisda sa lalawigan ng Pangasinan ang may mga nadiskubreng palutang-lutang na shabu sa mga karagatan ng Western Pangasinan kung saan 37 ay mula sa Bolinao, 16 sa Agno, 3 sa Sual at 1 Bani.

Kaugnay nito, magmula noong unang buwan ng hunyo hanggang hunyo 12 tinatayang nasa kabuuang 49 na sako na ang nadiskubre sa lalawigan kung saan 38 sako dito ay mula sa Bolinao, 7 sako sa Agno, 1 sako sa Bani at 3 sako sa sual.

Sa Pangasinan nasa halos 6 na bilyong piso na ang halaga ng droga na nakumpiska habang sa buong Rehiyon uno ay tinatayang mahigit 8 bilyon na dahil may mga natatagpuan larin sa mga baybayin ng Ilocos Sur at ilocos norte

Samantala, napag-alaman na ng PDEA kung sino ang nasa likod ng nasabing pagkakadiskubre ng mga illegal na droga sa karagatan na kinilala na SamGor International Drug Syndicate na siyang nagsusupply ng Droga sa mga bahagi ng Asia Pacific Region kabilang na ang Pilipinas.

Ang nagiging modus nila ay ibabagsak sa dagat upang kunin ng mga local na producer’s para ibenta sa merkado sa Pilipinas ngunit nagpapatuloy parin ang monitoring ng mga otoridad ukol dito.