Naglabas ang House of Representative ng resolusyon kung saan hinihikayat ang bawat ahensya at mga sangay ng gobyerno na maghanda sa inaasahang Super El Niño sa bansa.
Nakapaloob sa resolusyon ang paghimok na magtulungan ang iba’t-ibang ahensya at komite ng bansa.
Kabilang na ang Agriculture and Food, Aquaculture and Fisheries Resources, Committee on Labor and Employment patungkol sa epekto ng Super El Niño phenomenon.
Tututukan din sa nasabing resolusyon ang kapakanan at kabuhayan ng mga magsasaka at mangingisda. Kasama rin ang seguridad ng pagkain, kalusugan at kaligtasan ng mga manggagawa. Nakapaloob din sa resolusyon ang magiging mga pagresponde ng gobyerno ng Pilipinas patungkol sa mahabang tagtuyot kung saan tinawag rin ito ng PAGASA bilang “very strong El Niño, at inilarawan din bilang pinakamatinding tagtuyot sa kasaysayan.
Ayon pa sa state weather bureau na maaaring magtagal ang Super El Niño hanggang March o Hunyo. Na maaaring makaapekto sa halos 40 probinsya, kung saan makararanas na maliit na tyansa ng pag-ulan. May potensyal din umano itong umabot sa 80 probinsya sa buwan ng Enero.










