Inaprubahan ng House Justice Committee ang mosyon ni Rep. Joel Chua na magpadala ng subpoena duces tecum sa Ombudsman para makuha ang kopya ng Statement of Assets, Liabilities, and Net Worth (SALN) ni Vice Pres. Sara Duterte mula 2022-2025, 2016-2022, at 2007-2013.

Nasa 34 mambabatas ang bumoto pabor sa mosyon, 1 ang hindi sang-ayon, habang walang nag-abstain.

Kasabay nito, inaprubahan din ang mosyon na magpadala ng subpoena duces tecum para makuha ang kopya ng imbestigasyon ng National Bureau of Investigation sa pagbabanta ng bise sa buhay ni Pres. Bongbong Marcos, First Lady Liza Araneta-Marcos, at dating House speaker Rep. Martin Romualdez.

--Ads--

Samantala, hindi naman dumalo si Vice President Sara Duterte sa pagdinig ng House Committee on Justice kaugnay ng kinakaharap nitong impeachment process.

Matatandaang inaasahan sana ang pagharap ni Duterte upang sagutin ang mga batayan ng reklamo sa antas ng komite, subalit nagdulot ng tensyon sa pagdinig ang hindi nito pag-apela.