BOMBO DAGUPAN- Senyales na may ‘political rift’ sa pagitan nina Vice President Sara Duterte at Pangulong Ferdinand Marcos Jr. matapos maghayag si VP Duterte na hindi ito dadalo sa ikatlong State of the Nationa Address sa Hulyo 22.
Sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Prof. Mark Anthony Baliton, Political Analyst, nakitaan na kase ng hidwaan ang bise presidente at ang pangulo kaya pinili na lamang nito na hindi dumalo.
Subalit, magsisilbi aniya itong repleksyon sa leadership ng pangalawang pangulo.
Saad ni Baliton na nakikitaan na ang pangalawang pangulo sa paghahanda nito sa 2028 Election.
Nagkaroon din kase ng pahayag si Duterte na tinatalaga nito ang kaniyang sarili bilang isang ‘Designated Survivor’.
Batay kase sa isang pelikula na may titulo din na ‘Designated Survivor’, isa umanong ‘destiny’ ang pagiging pangulo sa likod ng mga kinaharap na pagsubok.
Gayunpaman, kahit anuman ang political color ng isang leader, kailangan pa din aniya nitong tugunan ang kaniyang responsibilidad sa bansa.
Samantala, para kay Baliton, hindi na kailangan pang pansinin maigi ang budget na ilalaan sa SONA.
Mas maiging bigyang pansin ang nilalaman ng sasabihin sa SONA ng punong ehekutibo.
Kaya umaasa ito na matatalakay ng Pangulo ang hidwaan sa West Philippine Sea, relasyon ng bansa sa Amerika, usaping agrikultura, kalagayan ng employment sa bansan, at ang ammendment sa konstitusyon partikular na sa economic provision.