Umaabot sa 71 katao ang napatay sa mga pag-atake ng Israel sa buong teritoryo sa nakalipas na 24 na oras.
Ayon sa Tanggapan ng Media ng Pamahalaan ng Gaza, hindi bababa sa 549 na mga Palestino ang napatay ng mga puwersa ng Israel habang tinatangkang makakuha ng tulong pangmakatao sa nakalipas na apat na linggo.
Bukod pa rito, 4,066 ang nasugatan sa o malapit sa mga lugar ng pamamahagi ng tulong ng Gaza Humanitarian Foundation (GHF) na sinusuportahan ng Estados Unidos at Israel.
Ayon sa Ministry of Health ng Gaza, ang digmaan ng Israel laban sa Gaza ay nakapatay ng hindi bababa sa 56,259 katao at nakasugat ng 132,458.
Tinatayang 1,139 katao ang napatay sa Israel noong mga pag-atake noong Oktubre 7, at mahigit 200 pa ang binihag.
Una rito ay binalewala ng supreme leader ng Iran ang ginawang airstrikes ng US sa kanilang nuclear facilities.
Ayon kay Iranian supreme leader Ayatollah Ali Khamenei na walang anumang napala ang US sa kanilang ginawa kung saan hindi maaantala ang kanilang nuclear programme.
Habang ang ginawang pagganti ng Iran sa airbase ng US sa Qatar ay nagtala ng matinding pinsala.
Idinagdag pa niyang hindi kailanman magpapasakop ang Iran.