BOMBO DAGUPAN- Higit 400 kabahayan ang lumikas ng Newtownards, County Down, sa Netherlands matapos umanong madiskubre ang hinihinalang World War II bomb.

Natagpuan ito sa building site sa Rivenwood housing development sa Movilla Road.

Dineploy ang Police cordong sa tuktok ng Rivenwood Road, kung saan ginagawa ang mga bagong bahay.

--Ads--

Nasa mismong bomb site ang Bomb Disposal at kasama nito ang Army personnel na tinatabunan ang bomb device bilang pagkontrol kung sakaling sumabog ito.

Pinasalamatan naman ni North Down and Ards District Commander Superintendent Johnston McDowell ang mga residente dahil sa pagiging maunawain at pagpapasenya sa operasyon.