Hindi lamang katatakutan ang Halloween, dahil para Estados Unidos ay panahon din ito para magpagandahan ng kani-kanilang pambatong paniki.
Simula pa noong 2019 nang simulan ito ng Bureau of Land Management upang itaas ang awateness sa kahalagahan ng ekolohikal ng mga hayop. Ang naturang ahensya ay nagpopost ng litrato ng mga kalahok na paniki sa kanilang facebook at instagram accounts at hinahayaan ang mga tao na iboto ang sa tingin nila ay ang pinaka-cute. Ang mga litrato ay sarili kuha din ng kanilang mga staff.
Nagsimula na ang botohan noong nakaraang huwebes kung saan nagkatapat sina big-eared bat na si “Sir Flaps-A-Lot” ng Utah at si “Hoary Potter” na hoary bat ng Oregon.
Hindi pa man kinukunsiderang endangered species, kabilang naman ang mga ito sa kinakailangan ng atensyon sa conservation.
Ayon kay Emma Busk, ang technican ng naturan ahensya na nakakuha ng litrato ni Hoarry Potter, na malaki ang ginagampanan ng mga paniki sa mundo kabilang na ang pagkain sa mga insekto at pagpolinate ng mga bulaklak at prutas subalit tumataas ang banta sa pagkawala ng kanilang tirahan, sakit at polusyon, at kadalasn ay pinagkakamalang nagdadala ng mga sakit.
Umaasa naman si Busk na si Hoarry Potter ang makakasungkit ng pagkapanalo sa bueaty contest.
Samantala, nakaraang taon ay nakuha ni “William ShakespEAR” isang female big-eared bat ng Southern Oregon, ang korona, Habang noong 2022 naman ay isang canyon bat ng souther Oregon din na pinangalanang “Barbara” ang nakapaguwi ng korona.
Iaanunsyo naman ang susunod na kampeyon sa susunod na huwebes oras sa Amerika.