BOMBO DAGUPAN – Magsasagawa ng tune-up games ang Gilas Pilipinas bago ang pagsabak nila sa FIBA Olympic Qualifying Tournament.

Ayon sa Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP) na sa araw ng Lunes ay makakaharap nila ang Taiwan Mustangs sa isang exhibition match na gaganapin sa Philsports Arena.

Inaasahan na marami ang manonood dahil sa ito ay libre.

--Ads--

Ilan sa mga Gilas Pilipinas na maglalaro ay sina naturalized player Justin Brownlee, June Mar Fajardo, CJ Perez, Chris Newsome, Calvin Oftana, Dwight Ramos, Scottie Thompson, Kai Sotto, Kevin Quiambao at Carl Tamayo.

Hindi naman makakapaglaro sina Jamie Malonzo at EJ Edu dahil sa injuries na papalitan nina Mason Amos at Japeth Aguilar.

Ang Mustangs ay pag-aari nina Dwight Howard at dating NBA players na sina DeMarcus Cousins at Quinn Cook.