Patuloy pa rin ang pagtanggap ng mga refugees mula sa Ukraine ang Germany dahil sa patuloy na ginagawang pambobomba dito ng Russia.


Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Jaime Paclibar Bombo International Correspondent sa Germany , karamihan sa mga inililikas mula Ukraine sa kanilang bansa ay mga bata, babae at mga matatanda.


Sa katunayan aniya ay kasama siya sa pagdadala ng mga inililikas na Ukranians papuntang Warsaw Poland at maayos ang kalagayan ng mga ito.

--Ads--


Sa katunayan aniya ay lahat ng bansa sa Europa ay tumatanggap ng mga Ukranians na lumilikas dahil sa kaguluhan.


Sa kabilang dako, inihayag naman ni Paclibar na walang Pilipino ang kanilang nailikas papuntang Germany.