Kinikilala ng House Prosecution panel si Senador Sherwin Gatchalian bilang presiding officer para sa nalalapit na impeachment trial laban kay Vice President Sara Duterte.
Ayon kay House Justice Committee Chair at lead prosecutor Gerville Luistro, susundin ng panel ang paninindigan ng Kamara na kinilala na ang bagong liderato ng Senado sa ilalim ni Senador Sherwin Gatchalian.
Nilinaw ni Luusto na hindi maaaring gumawa ng sariling posisyon ang House prosecution team na taliwas sa desisyon ng buong kapulungan, na opisyal nang kumilala kay Gatchalian bilang acting Senate President matapos ang reorganisasyon noong Miyerkules, Hunyo 3.
Sakali namang mag-isyu ang kampo ni Senador Alan Peter Cayetano ng hiwalay na notice, iginiit ng panel na kay Gatchalian sila haharap.
Nauna nang inanunsiyo ni Gatchalian nitong Huwebes, Hunyo 4, na siya ang tatayong lider ng impeachment court na nakatakdang magsimula sa Hulyo.










