Mas tumindi ang chemistry ng aktor na si Seth Fedelin at aktres na si Francine Diaz matapos ang kabilaang ships sa kanila ng mga fans, lalo na ngayon at may biglaang pag-amin ang dalawa.

Sa kabila ng mga tanong tungkol sa kanilang relasyon, sinabi ni Seth Fedelin na umaasa siyang si Francine Diaz na ang magiging bahagi ng kanyang kinabukasan.

Ipinahayag ni Seth na sa ngayon ay nakatuon siya sa pagpapalago ng tiwala ng mga magulang ni Francine, isang bagay na mahalaga para sa kanya.

--Ads--

Samantalang si Francine ay nagbahagi ng kanyang nararamdaman kay Seth, at sinabing may espesyal na pagtingin din siya sa aktor, subalit, itinukoy niyang sa ngayon ay nakatutok sila sa kanilang mga career at pamilya.

Habang ang dalawang bituin ay hindi pa tumatahak sa romantic relationship, malinaw na ang kanilang ugnayan ay puno ng respeto at malasakit sa isa’t isa.