DAGUPAN CITY — Nagbabadyang magmahal ang mga tickets para sa nalalapit na FIFA World Cup 2022 sa Qatar.


Sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Bombo International News Correspondent Melchor Omanito Jr., na isa ring FIFA Volunteer, sinabi nito na maaaring tumaas hanggang sa 600 Qatari Rials o katumbas ng halos P10,000 mula sa 40 Qatari Rials ang mga ibinebentang World Cup tickets.


Sa kasalukuyan naman ay marami na ring nagsisipagdatingan na mga international football team sa bansa upang paghandaan ang nalalapit na torneo. Habang marami na ring mga nagbubukas na entertainment stalls, gaya ng tinatawag nilang FIFA Wonderland, kung saan ay nabigyan ng pagkakataon ang mga residente at mga FIFA Volunteers na masilayan ang World Cup Trophy.

--Ads--


Magugunita na may kabuuang 32 na koponan ang sasabak sa torneo upang subukang iuwi ang World Cup Trophy, kung saan ay marami naman ang naghihintay na masilayan ang mga legendary players gaya ni Lionel Messi at Christiano Ronaldo.