DAGUPAN CITY- Mas bata man si Mario Barrios kumpara kay Manny Pacquiao subalit hindi umano ito sapat upang talunin ang 8-time world division champion.

Sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Bradford Adkins, Bombo International News Correspondent sa USA, naniniwala siyang hindi mapapantayan ni Barrios ang mga karanasan ni Pacquiao na nakaharap na ang mga malalakas sa larangan ng boksing.

Aniya, pinaghahandaan din ni Pacman ang kanilang paghaharap at naging puspusan ang training nito habang papalapit ang araw ng pagtutuos.

--Ads--

Samantala, nagsisidatingan na ang mga manonood na magiging saksi sa paghaharap nina Filipino Pride Manny “Pacman” Pacquiao at Mario Barrios sa MGM Grand Garden Arena sa Las Vegas, Nevada ngayong linggo, July 20, oras sa Pilipinas.

Aniya, ilan na rin sa mga kilalang personalidad at politiko upang panoorin ang muling pagbabalik ni Pacquiao sa larangan ng boksing makalipas ang apat na taon.

Napupuno na rin ang mga hotel sa Nevada dulot ng mga pagdating ng mga bisitang manonood ng laban.

Malapit na rin aniyang maubos ang mga ticket at ang tanging natitira lamang ay ang mga mula sa resellers.