Natagpuan ang duguang bangkay ng isang retiradong guro sa loob ng kanyang bahay sa bayan ng Lingayen, Pangasinan.

Kinilala ang biktima na si Milagros Ocampo, retiradong guro at residente sa barangay Estanza sa nasabing bayan.

Ayon sa inisyal na imbestigasyon, sa likod umano ng bahay dumaan ang suspek.

--Ads--

Posible umanong tinangkang pagnakawan ng suspek ang biktima dahil sa mga nagkalat na gamit sa loob ng mga kuwarto sa bahay.

Sinadya pa raw sinunog ng hindi pa nakikilalang suspek ang mga gamit ng biktima.

Samantala, mayroon ng mga person of interest ang pulisya.

Tiniyak naman ng pulisya na iimbestigahan nila ang lahat ng posibleng anggulo sa krimen.