DAGUPAN CITY— Nagbigay ng agarang tulong ang tanggapan ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa mga nastranded na mga Pangasinense sna ilang linggo nang nananatili sa Regional control point ng Tarlac-Rosales boundary.
Nagpatayo ng mga tents at tulda sa lugar bilang pansamantalang masisilungan ng mga indibidwal na naipit sa mahigit na pagbabantay ng otoridad sa mga tao sa labas ng lalawigan o mga unauthorized person outside residence na nakapasok dito sa Pangasinan kaugnay pa rin ng ipinapatupad na protocols sa ilalim ng Extreme Enhance Community quarantine.
Dagdag pa rito ay nabigyan din ng makakain at inumin ang mga ito nang sa gayon ay hindi na din sila magutom habang nasa naturang border.
Mas strikto ang pagpapatupad ng mahigpit na checkpoints upang sa gayon ay masiguro na sakanila ang maaring carrier o positibo sa COVID-19.
Kabilang sa mga indibidwal na nabigyan ng tulong ng naturang ahensya ang 55 mga indibidwal kung saan tatlo rito ang mga senior citizens, at isang menor de edad.