Higit 100 katao sa Afghanistan ang nasawi mula sa pag-atake ng air strike mula Pakistan nang matamaan ang isang drug treatment centre sa Kabul.
Ayon sa Kabul Forensic Medicine department, labis napinsala ang ilang mga labi at hindi na makilala pa.
Hinihikayat naman ng United Nations na magsagawa ng agarang imbestigasyon.
--Ads--
Itinanggi naman ng Pakistan ang pag-atake sa naturang pasilidad at sinasabing tanging ang mga imprastrakturang may kaugnayan lamang sa militar at terorista ang kanilang inaatake.
Kinondena naman ng UN Assistance Mission sa Afghanistan ang naging pag-atake.









