Pinag-iingat ngayon ng Department of Health o DOH region 1 ang publiko ukol sa mga sakit na posibleng makuha ngayong tag-ulan na bantayan maigi ang mga sintomas na mararamdaman at agad na ipakonsulta sa pagamutan.
Ayon sa kanilang opisina na kabilang sa kanilang mga tinututukan kapag panahon ng tag-ulan ay ang waterborne diseases, na mula sa maruming tubig, influenza-like illenesses, kung saan dito marraamdaman ang transkaso, lagnat, ubo at pananakit ng katawan, leptospirosis, na mula naman sa ihi ng daga na nahahalo sa mga tubig baha at dengue, na nagmumula naman sa kagat ng aedes aegypti na nangingitlog sa naipong tubig.
Kaya naman kaugnay nito ay ang dobleng pag-iingat lalong Lalo na sa mga indibidwal na mabilis lapitan ng mga sakit.
Bukod dito ay maiiwasan lamang na makakuha ng mga sakit kung uugaliin ang paglilinis ng kapaligiran at ang pagpapanatili ng personal hygiene, pagkain ng mga masustansyang pagkain at ang pagsunod sa mga paalala ng mga eksperto.