Maaaring magdulot ng heat stroke at heat exhaustion ang matinding init, na nagreresulta sa pagkahilo, labis na pagpapawis, cramps, pagsusuka, at pagkawala ng malay.

Yan ang binigyang diin ni Dr. Rheuel Bobis, Medical Officer IV ng Center for Health Development – DOH Region I.

Aniya ang heat exhaustion ay maaaring magdulot ng pagkahilo, labis na pagpapawis, at cramps sa kalamnan.

--Ads--

Samantalang ang heat stroke ay maaaring magdulot ng pagsusuka at pagkawala ng malay.

Maaaring maiwasan ang mga ito sa pamamagitan ng hindi paglabas tuwing pinakamainit ang araw mula 10 a.m. hanggang 3 p.m.

Kung kailangan talagang lumabas, siguraduhing uminom ng maraming tubig, magsuot ng magaang damit, at magdala ng sombrero o payong.

Ang mga taong madalas nasa labas sa oras ng pinakamainit ay kabilang sa pinakapanganib na magkaroon ng ganitong sakit.