Nagpaalala ang Department of Trade and Industry o DTI na bumili na ng mga school supplies habang below SRP pa ang presyo dito sa lungsod ng Dagupan.

Ito ay dalawang linggo bago ang pagsisimula ng klase ng mga mag-aaral sa lahat ng pampublikong paaralan.

Maganda umano ang mamili ngayon dahil marami pa ang pagpipilian at hindi siksikan.

--Ads--

Tiniyak naman ng DTI na marami ang supply kaya walang magiging problema sa mga susunod na araw.

Sugested Retail Price noong May 2018 ang ipinapatupad sa mga establisyemento.

Samantala hinikayat ng DTI ang mga mamimili na humingi ng resibo sa lahat ng binibiling school supplies.